-- Advertisements --
Nasa 100 katao ang nasawi habang 150 iba pa ang sugatan ng maganap ang sunog sa Iraq.
Naganap ang insidente sa isang kasalan sa Qaraqosh sa Nineveh province.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay maaaring nagmula ang sunog sa mga fireworks.
Dahil sa nasabing malaking sunog ay natupok ang gusali kung saan ginaganap ang kasal.
Tiniyak naman ni Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani na magsasagawa sila ng mahigpit na inspections sa mga gusali para hindi na maulit ang nasabing insidente.