-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ipapatupad na susunod na buwan, Pebrero, ang 100 percent na increase sa contribution sa Pag-ibig Fund.

Sa dating 200 peso o 100 pesos sa empleyado at 100 pesos naman sa employer, magiging 400 pesos na ito o 200 pesos sa empleyado at 200 naman sa employer.

Ayon kay Engr. Noli Quimbo, Branch Manager sa Pag-ibig-Butuan na noon pang 2020 napaplano ang pagtaas sa contribution ngunit ipinagpaliban ito dahil sa hirit ng mga employer dahil na rin sa lockdown nang tumama ang Covid-19.

Paliwanag pa ni Engr. Quimbo na may batas na basehan nito at sa ngayon ay patuloy silang nagbibigay ng communication sa mga pribadong opisina, HR at Finance Group.

Dahil sa nasabing increase, mas malaki na ang amount kung mag-apply ng multipurpose at calamity loan. Ito ay maliban pa sa malaking share sa savings kung mag-declare na ng dividend.

Ngunit nilinaw ng opisyal na hindi sila naglimita sa 200 pesos dahil ang miyembro ay pwedeng magbigay ng mas malaki pang contribution upang mas malaki rin ang kaniyang ma-save.