-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang operasyon ng nasa 100 Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa ilang buwan matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total ban epektibo noong Hulyo 22 kasabay ng kaniyang ikatlong State of the Nation Address.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) chief Gilbert Cruz, base sa report mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Aniya, bagamat marami ng napasara, may isang daan pa na nag-ooperate na patuloy na minomonitor ng ahensiya.
Saad pa ng PAOCC chief na kahit na hinati ang mga POGO sa maliliit na grupo, kumpiyansa silang mahuhuli at mapapasara din ang mga ito.