-- Advertisements --

Nasa 100 opisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas umaapela ngayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban o huwag nang ituloy pa ang franchise consolidation deadline para sa mga public utility vehicle sa bansa.

Sa gitna ito ng kanilang hindi pag sang-ayon sa ipinapatupad na Public Utility Vehicle modernization program ng pamahalaan na kanila namang ipinahayag sa pamamagitan ng paglalabas ng isang unity statement kaugnay sa ipinagpatuloy na December 31 deadline ng gobyerno para sa consolidation ng PUV.

Nakasaad sa naturang unity statement ang pakikisimpatya ng mga SK officials sa nasa 200,000 mga jeepney drivers at operators na apektado ng naturang hakbang ng pamahalaan.

Kasabay nito ay ang kanilang panawagan sa lahat ng mga kabataang Pilipino na makiisa sa kanilang adbokasiya para sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa kabuhayan at karapatan ng ating mga kababayang tsuper at operators na apektado ng naturang programa.

Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sinabi ng Department of Transportation na sa unang araw ng taong 2024 ay nasa 70% ng mga PUVs sa buong bansa ang nakapag-comply na consolidation deadline ng pamahalaan.