-- Advertisements --

Nasa 100 katao ang sugatan matapos ang sagupaan ng mga Israel police at mga Palestinian.

Karamihang mga nasugatang Palestinians ay nasaktan matapos gumamit ng rubber bullets at stun grenades ang mga kapulisan sa Jerusalem.

Karamihang mga nasugatan ay ginamot na sa loob ng Al Aqsa mosque sa Jerusalem.

Nauna rito nasa 205 katao ang sugatan sa parehas na saguapaan nitong Biyernes sa Al Aqsa mosque.

Sumiklab ang tensiyon sa eastern Jerusalem dahil sa posibleng pagpatalsik sa Palestinian na naninirahan sa Sheikh Jarrah.