Idineklara ng US-backed Syrian Democratic Forces (SDF) na nagwakas na ang teritoryo ng Islamic State (IS) group sa bansang Syria.
Nagtapos na rin daw ang pag-iral ng mga galamay nito tulad ng “caliphate”.
Ang pagkatalo ng ISIS ay inanunsyo ng spokesman ng SDF na nagdeklarang “100% territorial defeat.”
Sinasabing una nang kontrolado ng jihadist group ang umaabot sa 88,000 square kilometers (34,000 sq miles) ang lupain sa mga lugar ng Syria at Iraq.
Gayunman sa kabila nito, maituturing pa raw na “major security threat” ang ISIS at maari pa ring makapagsagawa ng pag-atake sa rehiyon at iba pang panig ng mundo.
Kung maalala ang Kurdish-led na SDF alliance ay nagsimula ng kanilang final assault laban sa mga IS sa unang bahagi ng buwan ng Marso.
Huling nagkanlong ang natitirang militante sa village ng Baghuz sa eastern Syria.