KALIBO, Aklan— Ipinanukala ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang programang “100 tourist, 100 trees” annually.
Ayon kay Aklan second district Board Member Jay Tejada, tinalakay nila sa isang committee hearing ang Ordinance No. 469 series of 2022 kung saan layunin nito ang pagtanimin ng isang daang punong kahoy sa loob ng isang taon ng mga nagmamay-ari ng lehitimong establisyimento sa isla ng Boracay sakaling umabot ng isang daan ang maitala nilang tourist guest.
Ipinaliwanag ni Tejada na imomonitor ito ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) at Malay Tourism Office kung saan, magiging mandatory na ang kanilang pagtatanim ng mga punong kahoy.
Sakaling walang maipakitang certification ang establishment owner at napatunayan sa validation na umabot ang mga ito ng isang daang turista sa loob ng isang taon ay hindi mare-renew ang kanilang business permit.
Ang nasabing programa ay para sa re-greening at ma-maintain ang kapaligiran.