Umaabot sa 1,000 mga Chineses students at mga researchers ang tinanggalan umano ng visa dahil sa umano’y pagiging security risks.
Ang pag-revoke sa visa ay kasunod nang proklamasyon ni US President Donald Trump noong buwan ng Mayo na may kinalaman sa pagtukoy sa mga hinihinalang Chinese nationals na konektado sa kanilang militar.
Sinasabing ang mga ito raw ay ang nasa likod ng pagnanakaw ng mga data at intellectual property.
Ayon sa tagapagsalita ng US State Department, kung tutuusin maliit lamang ito na bilang dahil nasa halos 370,000 ang mga estudyante na nagmula sa China na naka-enroll sa mga unibersidad.
Ito ay batay na sa mga datos sa pagitan ng taong 2018 hanggang 2019.
Tinukoy din ng Amerika na ang inalisan ng karapatan sa US visa ay mga “high-risk graduate students and research scholars.”
Sa ngayon wala pang komentaryo ang Chinese government sa naturang hakbang ng Estados Unidos.