Halos 1,000 na mga overseas Filipino workers (OFW) ang panibagong dumating kagabi sa Pilipinas sa gitna pa rin ng repatriation program ng gobyerno.
Kabilang sa may pinakamaraming bulto ng mga kababayan na lumapag sa NAIA ay nasa 450 na nagmula sa bansang Qatar.
Sakay ang mga ito ng flight PR685 at QR932.
Liban dito, umaabot din sa 300 mga OFW ang balik Pilipinas na rin mula sa Saudi Arabia.
Kasama sa mga ito ang nai-stranded na mga Pinoy, nawalan ng mga trabaho at iba pang mga kadahilan.
Sa kabilang dako matagumpay din na naisaayos ng DFA ang special PAL repatriation flight para sa 150 na mga OFW na nanggaling pa ng West Coast sa Amerika makaraan ang mahabang biyahe mula pa sa Los Angeles.
Sa kabilang dako meron ding panibagong batch ng mga OFW ang nagmula sa Cambodia at Bahrain ang nakabalik na rin sa Pilipinas.