-- Advertisements --
Biglang nagtala ng halos 1,000 mga bagong kaso ang Singapore na halos doble ang dami mula kahapon na nasa mahigit 500 lamang.
Kinumpirma ngayon ng pamahalaan ng Singapore ang panibagong kaso na tumalon sa 932 cases para itala ang kabuuang kaso na 17,101.
Bago ito, nitong nakalipas na buwan ng Abril napansin din ang biglang pagdami ng bilang ng mga nahawa kung saan karamihan umano sa mga ito ay mula sa mga dormitories ng mga migrant workers.
Sa ngayon ang mga nasawi sa Singapore ay meron pa lamang 15.