-- Advertisements --

Nasa 1,000 pang mga pulis ang idinagdag ngayong araw ng ASEAN Security Task Force para tutukan ang seguridad sa ikalawang araw ng ASEAN Summit.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde na layon nilang papahingahin muna ang mga pulis na napagod kahapon sa nangyaring balyahan laban sa mga raliyesta.

Sinabi ni Albayalde dahil sa nangyaring girian kahapon nasa 28 pulis ang nasugatan.

Paliwanag ni Albayalde na ang pagdadagdag nila ng pwersa ay bahagi lamang ng security plan para siguraduhing mas ligtas ang mga delegado ng Asean summit.

Aniya, mas lumawak pa sa ngayon ang lugar na kanilang babantayan dahil sa namasyal na ang ilang mga delegado sa iba’t ibang pasyalan sa bansa.

Samantala, magdadagdag din ng walong kompaniya ng mga sundalo mula sa Armed Forces of the Philippines bilang bahagi pa rin ng pagpapanatili ng kapayapaan sa kasagsagan ng Asean summit.

Pahayag pa ni Albayalde, hindi pa rin sila nagpapakampante sa kanilang ginagawang pagbabantay.

Ito ay kahit pa, walang na-monitor na untoward incident at terror threat.