-- Advertisements --

Naka-standby na ang nasa 1,000 mga reserve force ng PNP sa Camp Crame at nakahanda na for deployment.

Nakahanda naman ang PNP sa anumang posibleng insidente.

Una rito, isinagawa kaninang umaga ang accounting of troops sa harap ng PNP national headquarters.

Samantala, nakaalerto rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga serye ng mga kilos protesta.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Col. Noel Detoyato, ang Joint Task Force NCR ang katuwang ng PNP sa pagbibigay seguridad.

Sinabi ni Detoyato hindi nila hahayaan na makapaghasik ng karahasan ang grupo ng CPP-NPA-NDF at magsamantala sa mga peaceful rally.