-- Advertisements --
Nananawagan ang United Nation agencies para sa agarang aksyon upang matulungan at maprotektahan ang nasa 1,000 seaferers na na-stranded sa mga karagatan at pantalan ng Ukraine simula ng lusubin ng Russia.
Ayon sa head ng International Labour Organization (ILO) at International Maritime Organization (IMO), mahigit 100 trading ships ang nananatili at hindi makaalis mula sa Ukrainian ports at katubigan nito.
Hiniling na ng grupo sa UN high Commissioner for Refugees, International Committee of the Red Cross at Doctors Without Borders na agarang gumawa ng paraan.
Ayon sa International Maritime organization nasa 1,000 sailors ang stranded kabilang ang besieged port ng Mariupol at ang mga barko sa Azov sea.