-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dumating na sa lungsod ng Davao ang karamihan sa mga delegasyon alang sa Private School Athletic Association (PRISAA).

Ayon kay Maria Lita Montalban, national president ng PRISAA, umabot sa 10,000 ang mga players at coaches ang dumating sa lungsod mula sa 17 mga rehiyon sa bansa.

Ngayong linggo na Mayo 19 ang openning ng PRISAA sa UM Matina sa lungsod at magpapatuloy ang mga laro hanggang Mayo 26 kung saan isasagawa naman ang closing events.

Kahapon ng hapon kaagad na sinimulan ang pagtalaga ng mga police ng Task Force Davao sa mga billeting quarters ng mga atleta ng PRISAA.

Ayon kay Col. Alexander Tagum, DCPO director, ayaw na niyang maulit ang naganap na nakawan sa isinagawang Palarong Pambansa sa billeting quarters ng mga atleta sa Calinan.

Ihahatid naman ang mga players ng mga Traffic Group sa iba’t ibang playing venue sa lungsod.