-- Advertisements --
image 181

Matapos mahinto dahil sa 2020 COVID-19 pandemic, isinagawa muli ng Autism Society Philippines ang awareness campaign na Angels Walk for Autism. 

Aabot sa 10,000 katao ang dumalo sa naturang event para sa mga batang may autism ngayong Linggo sa Pasay City. 

“Transformation” ang tema ng pagdiriwang ngayong 2023 dahil bukod sa pagbibigay ng kamalayan tungkol sa mga pangangailangan ng mga taong may autism, nais din ng organisasyon na mabigyan sila ng mas maraming pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho para sa kanila.

Ayon kay outgoing Autism Society Philippines president Mona Magno-Veluz, mayroon silang partnerships sa 52 kompanya sa bansa at nitong 2020 lang ay naging katuwang na rin nila ang isang New-York based company.

Ang naturang event ay dinaluhan naman ng ilang artista na may mga anak na children with special needs. 

Nakiisa rin ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines, na simanahan ang ilang bata sa stage.