DAVAO CITY – Nakahanda na ang isasagawang thanksgiving activity ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ngayong araw kung saan nasa 10,000 na mga indibidwal ang dadalo.
Ang nasabing aktibidad ay tinawag na “Daghang Salamat, Davao City,” na isang luncheon at dinner activity na gagawin sa Rizal Park, San Pedro Street.
Isa umano itong pasasalamat dahil ang mga HNP, isang regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang nakakuha ng siyam mula sa 12 na upuan sa Senado sa isinagawang 2019 midterm elections.
Dahil dito, temporaryo na ipapasara ang mga kalsada na malapit sa venue mula alas-12:01 ng madaling araw kanina hanggang alas-6:00 ng umaga bukas, Hunyo 1.
Ang nasabing selebrasyon ay bahagi ng ika-41 na kaarawan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Nagpapasalamat naman ang mayor sa mga Dabawenyo sa “12-0 vote” ng HNP senators, kung saan pinakauna ito sa kasaysayan ng Davao.
Hindi naman sinabi ng alkalde kung makakadalo ang mga partymates nito sa nasabing aktibidad.