-- Advertisements --
Libu-libong mink ang namatay sa kabukiran ng Utah at Wisconsin.
Pinaniniwalaang namatay ang mga ito dahil sa coronavirus disease na umaabot sa 10,000 na mga semiaquatic mammal.
Ayon kay Utah State Veterinarian Dr. Dean Taylor lumabas sa kanilang pagsusuri na may nangyaring transmission ng virus galing sa tao patungo sa hayop.
Noong buwan ng Agosto sinimulang mahawaan ng virus ang nasabing mga hayop.
Sa ngayon, gumawa pa ng karagdagang pag-aaral ang mga eksperto kung bakit nangyari ang transmission ng virus sa tao patungo sa hayop.