-- Advertisements --
Uunahin ng Cavite provincial government ang mga pulis, drivers at mga factory workers na sasalang sa clinical trials para mapag-aralan din ang epekto ng vaccine sa COVID-19 na nagmula sa pharmaceutical companies sa Amerika at United Kingdom.
Nagpaliwanag si Gov. Juanito Victor Remulla na ang experimental trial para sa nabanggit na sector ay dahil kinokonsidera silang mga high risk sector,
Limang libo sa mga ito ay tatanggap ng vaccine habang ang 5,000 pang iba ay sasailaim naman sa placebo.
Mamamahala sa experimental trials sa Cavite ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute.