-- Advertisements --
Sino Sinophram

Dumating sa bansa ang nasa 100,000 doses ng China made Sinophram COVID-19 vaccine na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) sa bansa.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong alas-2:30 nitong hapon ang eroplano sakay ang 100,00 doses ng Sinopharm vaccines.

Ito ang unang batch ng Sinophram vaccine na ipinadala sa bansa at unang shipment ng naturang vaccine na gawa ng China na isinapubliko ng gobyerno.

Nauna ng sinabi ng UAE na magbibigay ito ng donasyon na nasa 500,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Maalalang ang mga naunang donasyon ng Chinese government na Sinopharm vaccine ay hindi isinapubliko ng pamahalaan at napag-alaman lamang nang ianunsiyo ng Malacanang na nabakunahan na ng Sinopharm ang Pangulong Duterte.

Nauna rito, ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) maging sa hanay ng militar ang nabakunahan ng umano’y smuggled doses ng Sinophram vaccine noong nakaraang taon na hindi pa nabigyan noon ng Emergency Use Authorization mula sa FDA.

Nito lamang nakalipas na June nang ginarantiyahan ng FDA ng EUA ang Sinopharm vaccines.