-- Advertisements --

Nasa 100,000 na mga indibidwal na ang kasalukuyang nakatawid sa border ng Poland mula sa bansang Ukraine.

Ito ay mula nang magsimulang atakihin ng Russia ang Ukraine nitong linggo.

Sa isang pahayag ay sinabi Polish Deputy Interior Minister Pawel Szefernaker na 90 porsiyento ng mga refugee ay may mga tutuluyang lugar sa Poland, tulad ng tahanan ng kanilang mga kaibigan o pamilya.

Habang humihingi naman aniya ng kaukulang tulong ang iba pang mga natitira sa siyam na mga reception center na kanilang itinalaga sa border na namamahagi naman ng mga pagkain, medical care, pahingahan, at maging ng mga anumang kinakailangang impormasyon.

Idinagdag naman ng Polish border guard head Tomasz Praga, na noong Biyernes ay lamang ay halos umabot na sa 50,000 ang bilang ng mga indibidwal na nakatawid sa Poland mula sa Ukraine.

Samantala, ayon naman sa UN refugee agency ay halos nasa 116,000 na ang mga indibidwal na lumipad mula sa Ukraine patungo sa mga karatig na bansa nito tulad ng Poland, Hungary, Moldova, Slovakia, at Romania simula noong Pebrero 24, at ang bilang ng mga ito ay nadagdagan pa sa paglipas ng mga araw.