Sinusubukan ngayon ng Israel na tukuyin kung hanggang saang lugar na kumalat ang coronavirus disease at kung saan din ang pinaka-alanganin kapag mas lalo pang tumagal ang pandemic.
Ito’y kahit mababa lamang ang fatality rate ng bansa ay naghahanda pa rin daw ito sa posibilidad ng second wave ng infection.
Inilunsad ng Israel ang kampanya upang isailalim sa coronavirus antibodies test ang 100,000 katao.
Nakabili na rin ang Israel government ng 2.5 million test na gagamitin para sa antibodies scheme.
Maliban sa national campaign na ito ay nagsasagawa rin ng hiwalay na survey ang mga otoridad sa mga high-risk areas.
Isa kasi ang ultra-Orthodox Jewish community ng Israel sa pinakamalalang naapektuhan ng outbreak.
Unti-unti na ring tinanggal ng Israel ang mga anti-coronavirus measures na ipinatupad sa buong bansa.
Sa ngayon ay nakapagtala na ito ng 281 deaths at halos 17,000 kumpirmadong kaso ng nakamamatay na virus.