-- Advertisements --

Aabot sa 100,000 mga Pilipino na nawalan ng trabaho ang inaasahang magbabalik sa labor force kasunod ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila sa alert level 2.

Kasabay din ang panunumbalik ng economic activities.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nasa kabuuang 1.8 million indibidwal ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na paghihigpit sa buong bansa.

Binigyang diin naman ni Lopez na nakasalalay sa mga establisyemento na siguruhing ang kanilang mga customers ay sumusunod sa public health safety standards.

Inilagay sa alert level 2 ang buong Metro Manila mula noong November 5 na magtatagal hanggang November 21 kasunod ng pagbaba ng blang ng naitatalang COVID-19 cases.

Nauna nang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring tumaas ang GDP ng bansa ng hanggang P3.6 billion kada linggo kasunod ng deescalation ng quarantine clasification sa NCR sa alert level 2.