-- Advertisements --

Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang panibagong 10,019 na karagdagang kaso ng COVID-19 na mas mataas nitong nakalipas na Miyerkules.

Mayroon namang naitalang 7,425 na gumaling at 109 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (115,328) ang aktibong kaso, 94.1% (2,478,616) na ang gumaling, at 1.48% (38,937) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” ani DOH.

Samantala ang mga dinapuan ng virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,632,881.