-- Advertisements --

Mahigit 1,000 pampublikong paaralan ang ipinagpaliban ang kanilang pagbubukas ng klase para sa School Year 2024-2025, na nakatakda sa Lunes, Hulyo 29. 

Sinabi ng Department of Education (DepEd) na may kabuuang 1,002 na mga paaralan sa Metro Manila, Ilocos region, Central Luzon at Soccsksargen region ang hindi magsisimula ng klase sa Lunes.

Partikular na sinabi ng kagawaran na ang mga paaralan sa mga lungsod ng Malabon, Pasig, Marikina, at Valenzuela ay pawang magbubukas sa Agosto 5, 2024.

Samantala, dalawang paaralan sa Navotas City, lima sa Lungsod ng Maynila, 13 sa San Juan City, at 15 sa Quezon City ang magbubukas sa Agosto 5.

Una nang sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Biyernes na ang pagbubukas ng mga klase sa Hulyo 29  ay dapat magpatuloy hangga’t maaari, maliban sa mga lugar na lubhang napinsala ng Carina at Habagat.