-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Sinira ng mga otoridad ang mahigit P100,000 na halaga ng mga marijuana sa magkaibang marijuana eradication sa probinsya ng Kibungan Benguet at Mt. Province.
Una rito, nadiskubre ng mga otoridad ang 100 na mga fully grown marijuana plants sa Palina, Kibungan, Benguet.
Nadiskubre rin ng mga otoridad ang 230 na mga fully grown marijuana plants sa dalawang plantation sites sa Barangay Fedilizan, Sagada, Mountain Province.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na nang kapulisan ang mga marijuana.
Samantala, walang nahuling cultivator sa nasabing marijuana eradication.