-- Advertisements --
Mayroong panibagong 101 bagong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa nasabing bilang ay pumapalo na ito sa kabuuang 23,569 ang mga Filipino sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong bagong 102 pasyente ang gumaling na.
Umakyat naman sa 1,398 ang nasawi sa nasabing virus.
Nanguna pa rin ang Middle East at Africa sa mga Filipino na nandoon na dinapuan ng COVID-19.