-- Advertisements --
Nasa 101 na ang naitatala ng Department of Health na kaso ng firecracker related injuries sa buong Bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na ang naitalang mga kaso ng pagkasugat dahil sa paputok ay mula sa limang rehiyon.
Pinakamarami ang nai- record sa NCR habang sumunod ang region 3, region 2 na sinundan ng Region 6, Ilocos Region at Central Visayas Region.
Iniulat din ni Domingo na Lima sa 1 01 naiulat na firecracker related injuries as of 6am ngayong araw ay sumailalim na sa amputation.
Dagdag pa ni Domingo sa nasabing injury na naitala ay nagdulot ito ng pinsala sa bahagi ng mata,kamay, ulo, binti at braso ng mga biktima.