GENERAL SANTOS CITY – Umaabot sa 102 overseas Filipino Workers(OFW) ang dumating dito sa lungsod kanina.
Sakay ang mga ito ng eroplano na lumapag sa GenSan International Airport.
Sa impormasyon na ipinahayag ni Airport Manager Edgardo Cueto na tatlong eroplano ang lumapag lulan ang mga OFWs na na-stranded sa Metro Manila dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang mga ito ay isa-isang sumailalim sa profiling at ilang pagsusuri bago pinayagang makaalis.
Sinundo ang mga OFW ng ambulansiya mula sa iba’t- ibang probinsya ng Region 12(Soccsksargen).
Habang kaagad namang idiniretso sa isang pension house dito sa lungsod ang 19 indibidwal na residente ng GenSan upang sumailalim sa 14-days quarantine.
Napag-alaman na kabilang sa 102 OFWs ang isang bagong panganak na Pinay worker mula sa Kuwait at kasama nito ang 10 days-old pa na baby.
Doon na ito nanganak sa quarantine facility sa Metro Manila.