-- Advertisements --
Inanunsyo ng Mexican Social Security Institute na naka-survive sa COVID-19 ang 103-anyos na ginang mula sa Mexico.
Nakaranas ng chronic pulmonary disease si Dona Maria at naka-confine sa hospital sa loob ng 11 na araw.
Una nang dinala sa hospital ng Guadalajara sa estado ng Jalisco ang survivor na si Maria matapos makaranas ng lagnat, nahirapan huminga at sipon.
Base sa talaan, ang Mexico ay may 757,953 na nagpositibo sa virus kung saan 78,880 ang namatay.