GENERAL SANTOS CITY – Umaabot sa 1,031 ang mga apektadong pamilya sa nangyaring magnitude 6.3 na lindol at sunod-sunod na aftershocks sa Tulunan, North Cotabato.
Ito ang sinabi ni Kagawad Jojo Ortizo sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Gensan.
Aniya, nasa 388 na bahay na ang totally damaged samantala 643 ang partially damaged.
Idinagdag pa nito na 88 government buildings na ang nasira dahil sa lindol.
Napag-alaman na ang lugar ng Barangay Paraiso at Daet ang grabeng naapektuhan kung saan totally damaged ang barangay hall at health centers.
Samantala ang Daet Elementary School, Magnok Elementary School at Paraiso Elementary School ang may mga nasira ring mga buildings at klasrums, totally damaged naman ang New Caritas Vocational Technology High School kung saan gumuho ang covered court, mga buildings at iba pang pasilidad.
Kinordon na rin ang Divine Mercy Shrine sa Tulunan dahil ito ay severely damaged at pinangangambahang mag-collapse.