Apat na araw bago ang deadline ng pagrerehistro sa mga SimCard sa bansa, nakapagtala na ang national telecommunications Commission ng 104Million na bilang ng mga sim card na nairehistro sa buong bansa.
Ayon sa NTC, katumbas ito ng 61.94% ng kabuuang 169million sim users sa buong bansa.
49, 201,007 dito ay mga Smart users.
47,474,937 naman ang nairehistro na sa ilalim ng Globe Telecom. habang 7,400,899 sim ang nairehistro sa ilalim ng DITO.
Batay sa ulat ng tatlong Telco, mula 50% hanggang 74% lamang ng kani-kanilang subscribers ang nairestro simula nag-umpisa ang Sim Card Registration sa bansa, bunsod ng pagkakasabatas ng Sim Card Registration Law.
Maalalang naun nang sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan na wala nang balak pa ang pamahalaan na palalawigin ang deadline ng SIM Card Registration.
Una nang itinakda ang deadline nitong buwan ng Abril ng taong kasalukuyan, ngunit dahil sa mababang bilang ng mga nakapagrehistro ay pinalawig ito ng hanggang Hulyo-25.