-- Advertisements --

Hindi bababa sa 105 katao ang nasawi matapos ang pagsabog nb oil tanker sa Nigeria.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad na nawalan ng kontrol ang driver ng tanker kaya bumaligtad ang sasakyan sa kabahayan ng Majiya sa Jigawa, Nigeria.

Sugatan ang nasa 70 katao kung saan ang mga ito ay itinakbo na sa mga pagamutan.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang ibang mga biktima.

Tinayak naman ng gobyerno na kanilang tutulungan ang mga biktima habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad.