-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 106 na mga Chinese nationals na inaresto matapos mabatid na iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Inaresto ang mahigit 100 mga Chinese sa Laguna matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa iligal na pagtatrabaho ng mga ito.

Sinalakay ng mga tauhan ng BIÑAN PNP at mga ahente ng Bureau of Immigration ang tanggapan ng Smartwin Technology Incorporated.

Ang nasabing kumpanya ay gumagawa at nagsu-supply ng mga electronic products tulad ng charger at iba pa.

Ayon kay BiÑan chief of police, PLt.Col. Danilo Mendoza ang mga nahuling mga Chinese ay isasailalim sa verification and validation kung legal ang kanilang pagta trabaho sa bansa.

Sinabi ni Mendoza na sa sandaling mapatunayang walang sapat na papeles ang mga trabahante sa bansa ay sasampahan nila ito ng kaso at ipapadeport pabalik sa China.