-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Matagumpay na na-rescue ng mga otoridad ang nasa 106 na mga pasahero ng isang Ro-Ro vessel matapos na ma-stranded sa kalagitnaan ng karagatan na sakop ng San Andres, Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Seaman First Class Raymond Bergalin ng Coast Guard Catanduanes, mula sa Tabaco ang Ro-Ro vessel ng bigla itong masiraan ng auxilliary generator sa layong 12 nautical miles mula sa kalupaan.
Agad na nagpadala ng isang barko ang PCG na inabot pa ng anim na oras bago makapunta sa lokasyon ng mga na-stranded dahil na rin sa layo nito.
Nahatak naman pabalik ang barko kung kaya’t muling nakasakay sa ibang barko ang mga pasahero at nakapunta na sa kanilang destinasyon.