Mas mababa ng bahagya kumpara nitong nakalipas na Huwebes ang bagong naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na mga dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas na nasa 10,670.
Kaugnay nito, ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,643,494.
Meron pa rin namang mga aktibong kaso na nasa 118,203
Samantala mayroon namang naitalang 7,691 na mga bagong gumaling.
Ang mga nakarekober sa virus ay nasa 2,486,059 na.
Naitala rin ng DOH ang nasa 191 na mga bagong namatay.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 39,232 na.
Mayroon namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
Sa ngayon ang ICU bed occupancy rates sa bansa ay nasa 72%, habang ang NCR ay nasa 71% na nananatili pa ring high-risk.
Ang tinatawag namang positivity rate na nasa 16.9% ay ang pinakamababa mula noong August 3.
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (118,203) ang aktibong kaso, 94.0% (2,486,059) na ang gumaling, at 1.48% (39,232) ang namatay,” bahagi pa rin ng DOH advisory. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 6, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”