Nananatiling stranded sa mga pantalan ang nasa 10,000 katao dahil sa epekto ng bagyong Kristine, base sa monitong ng Philippine Coast Guard kaninang 4am hangagng 8am ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 25.
Sa ulat ng PCG, stranded pa rin ang nasa kabuuang 10,015 na pasahero, truck drivers at cargo helpers.
Gayundin nasa 2,691 rolling cargoes, 98 barko at 17 motorbancas ang nananatili sa 126 na iba’t ibang pantalan sa bansa. Habang pansamantalang nakikisilong ang nasa 322 vessels at 282 motorbancas na napilitang suspendihin muna ang kanilang mga biyahe.
Ang mga pantalan sa Bicol region ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga stranded na indibidwal na nasa 4,247. Sinundan ito ng Eastern Visayas at Western Visayas kung saan nasa 2,596 at 1,112 ang naitalang stranded na mga indibidwal.