-- Advertisements --

Umaabot na sa 11 aftershocks ang naitala ng Phivolcs mula sa 5.1 magnitude na lindol mula kahapon.

Magugunitang naramdaman ang nasabing main quake bandang alas-2:53 ng hapon.

Natukoy ang epicenter sa layong 16 km sa timog kanluran ng Poro, Cebu.

May lalim itong 11 at tectonic ang pinagmulan.

Posible umanong magdulot ito ng pinsala at magkaroon ng marami pang aftershocks hanggang sa mga susunod na araw.

Top