-- Advertisements --
Nagpapagaling na sa pagamutan ang 11 anyos na skateboarder na si Sky Brown matapos ang masamang pagbagsak nito habang nagsasagawa ng pagsasanay.
Sinabi nito na ang helmet at kaniyang braso ang nagligtas sa kaniyang buhay.
Nagsasagawa ng ensayo ang British skateboarder sa California ng hindi nanging maganda ang pagbagsak nito.
Sinabi nito na muli siyang magbabalik sa skateboarding.
Patuloy kasi ang pagsasanay nito dahil target niyang makapasok sa Olympics.
Ipinanganak siya sa Miyazaki, Japan kung saan Japanese ang ina habang British naman ang ama nito.