-- Advertisements --

Nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 2024 World Cadet Rapid and Blitz Championships na ginanap sa Durres, Albania ang 11-anyos na Filipino-American na si Megan Paragua.

Nanguna siya ngayon sa buong mundo matapos talunin ang nasa 300 na lumahok sa nasabing torneo.

Pinasalamatan ni New York Consul General Senen Mangalile noong ito ay nagsagawa ng courtesy call sa kaniyang opisina.

Si Megan ay anak nina Jan at Jennifer Paragua na kapwa residente ng Bulacan.