-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang lalaki matapos kasunod ng alegasyon na ginahasa nito ang kanyang 11-anyos na pamangkin na babae sa Negros Occidental.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Staff Sergeant Jennyvev Biasa, head ng Women and Childrens Protection Desk (WCPD) ng Bago City Police Station at temporaryo ring WCPD head ng Pulupandan Municipal Police Station, idadaan na lang sa regular filing ang pagsampa ng kaso laban sa 49-anyos na suspek at tiyuhin ng biktima kasunod ng alegasyon ng rape na nangyari sa bahay ng suspek sa Purok Bulak sang Bulak, Brgy. Poblacion, Bago City.

Ngunit ang biktima ay residente ng bayan ng Pulupandan at dumadalaw lamang sa bahay ng kanyang tiyuhin kung saan ito ay ginahasa.

Base sa imbestigasyon, alas-2:00 ng madaling araw noong nakaarang Oktubre 27 ng nangyari ang panggagahasa sa biktima.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kanyang kapatid at humiling ito na iuwi sa Pulupandan.

Nakauwi ang biktima sa Pulupandan nakaraang November 1.

Napag-alaman na nagtatrabaho sa labas ng bansa ang ina ng biktima at ang kanilang ama ang nag-aalaga sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid.

Kapatid naman ng ina ng biktima ang itinuturong suspek sa panggagahasa.

Sa Lunes ay nakatakdang sampahan ng kasong rape ang suspek.