-- Advertisements --

Patay na ng matagpuan ang isang 11 anyos na batang babae sa Gen Trias, Cavite.

Batay sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ay posibleng ginahasa umano ang biktima bago tuluyang pinatay.

Ang katawan ng biktima ang natagpuan ng kanyang kapitbahay na kukuha lang sana ng kawayan sa kanilang lugar.

Nakataas ang damit ng biktima habang nakababa ang shorts nito.

Sa kabila nito ay pinag-aaralan pa rin ng Pulisya kung may panggagahasang naganap habang hinihintay namin ang resulta ng autopsy sa bangkay ng biktima.