-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) pandemic ang isang 11 anyos na dalagita sa siyudad ng Cotabato.

Ang biktima ay nakasalamuha ang ika-17 na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Agad kinunan ng swab test ang dalagita at nagpositibo sa Covid 19.

Nasa maayos na kondisyon ang pasyente at posibling isailalim sa pangalawang swab test ng mga health workers.

Sa ngayon ay umaabot na sa 23 katao ang nagpositibo sa Covid 19 sa rehiyon-12.