-- Advertisements --

Arestado ang 11 katao sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng PNP sa Malate, Maynila.

Unang naaresto ang apat na lalaki at isang babae sa San Andres kung saan nakuha sa kanila ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Ayon sa PNP , modus ng mga suspek na kumuha ng kuwarto sa isang motel at doon isagawa ang transaksyon.

Anim naman kabilang ang isang tanod ang naaresto sa sumunod na operayon na mayroong anim na sachet.