-- Advertisements --

Nabuwag ng mga kapulisan sa Alberta, Canada ang grupo na nagtatangkang maghasik ng kaguluhan.

Ayon sa Royal Canadian Mounted Police na umabot sa 11 katao ang kanilang naaresto.

Nakuhanan ang mga ito ng 13 mga mahahabang armas, hand guns at ilang mga bala.

Ang nasabing grupo aniya ay nagtatangkang gumamit ng puwersa laban sa mga kapulisan na magbubuwag ng mga nagsagawa ng kilos protesta.

Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang mga truckers matapos na hanapin sila ng mga vaccination pass sa ilang bayan ng Canada.