CENTRAL MINDANAO-Lubog ngayon sa baha ang 11 Barangay sa Datu Montawal Maguindanao.
Umaabot sa 6,814 pamilya ang naapektuhan sa baha.
Ayon kay Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal,na ang nararanasan nila ngayon ay halos taon-taon lalo na pag-umulan ng malakas sa Bukidnon at mga karatig probinsya ay babagsak sa kanilang bayan ang baha.
Catch basin nang baha ang bayan ng Datu Montawal Maguindanao lalo na tuwing aapaw ang Pulangi River.
Nanawagan ang alkalde ng tulong kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at BARMM Government sa mga naapektuhang pamilya sa baha.
Dagdag ni Mayor Montawal na iwaksi muna ang iringan sa politika at magtulungan sa mga residente na sinalanta ng baha.
Una nang namahagi ang LGU-Datu Montawal ng tulong sa mga biktima ng baha ngunit kinukulang at nanawagan sila ng karagdagang ayuda.
Laking pasasalamat naman ng mamamayan ng Datu Montawal sa mabilis na pagtugon ng kanilang alkalde,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at Bm serbisyong may puso Andrew Montawal Bangkulit na makapaghatid ng tulong sa mga binaha.
Hindi rin matawaran ang mabilis na aksyon ng mga kawani ng MDRRMO-Datu Montawal sa pangunguna ni MDRRRMO-Officer Balumol Kadiding,para magbigay ng pabala sa mga lugar na posibling tamaan ng baha o kaya pagrescue sa mga naipit sa baha.
Maliban sa bayan ng Datu Montawal ay binaha rin ang Pagalungan Maguindanao,Pikit at Kabacan Cotabato.