TACLOBAN CITY – Aabot sa 11 mga Chinese national ang ipinatapon pabalik sa kanilang bansa matapos maaresto ang mga ito sa isinagawasng operasyon ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Robin Docena, Alien Control Officer ng Bureau of Immigration (BI) Regional Office 8, naaresto an nasabing mga foreign workers sa loob mismo ng mga establishmento kung saan nagtatrabaho ang mga ito bilang cashier at ang iba naman ay may sariling mga negosyo.
Napag-alaman rin ng mga otoridad na walang mga papeles at dokumento ang nasabing mga alien workers at may mga discrepancies rin sa kanilang mga visa, dahilan para arestuhin ang mga ito ng BI.
Sa ngayon ay nahaharap na sa karampatang kaso ang naturang mga Chinese nationals at pinoproseso na rin ang blacklist order para hindi makabalik ang mga ito sa Pilipinas.