Nasa 11 Chinese nationals ang pinagbawalang makapasok sa bansa dahil sa overstaying na ang mga ito.
Ayon sa Bureau of Immigration, magkakahiwalay na dumating noong Nobyembre 2019 hanggang Enero ang nasabing mga dayuhan.
Nabigyan ang mga ito ng visa upon arrival (VUA) subalit kanila raw itong inabuso sa pamamagitan ng overstaying ng walang anumang kadahilanan.
Base kasi sa panuntunan ang mga dayuhan na mabibigyan ng VUA ay mayroong hanggang 30 araw lamang.
Nalaman lamang ang paglabag nang nagtungo ang mga ito sa kanlang opisina para mag-update ng kanilang pananatili sa bansa kung saan nagpakita pa ang mga ito ng kanilang plane tickets.
Noong Enero ay itinigil ng bansa ng pagbibigay ng VUA sa mga Chinese nationals para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.