Naobserbahan ang pinakamalaking bilang ng Chinese warships sa Escoda shoal o Sabina shoal sa West Philippine Sea.
Ito ay mahigit isang linggo pa lamang matapos i-pull out ng Philippine Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua.
Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, iniulat ni Philippine Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nasa kabuuang 11 People’s Liberation Army-Navy ang naamataan sa lugar mula Setyembre 17 hanggang 23 ng kasalukuyang taon.
Ito aniya ang unang pagkakataon na namataan ang ganitong kadaming bilang ng barkong pandigma ng PLA-N ng China sa Escoda shoal.
AV- PH Navy spox for WPS Roy Vincent Trinidad
Sa kabila nito, nanindigan ang opisyal na walang control ang China sa lugar. Ipagpapatuloy din aniya ng PH Navy ang paggampan ang kanilang mandato sa pagpapatroliya sa pamamagitan ng dagat at himpapawid hindi lang sa Escoda shoal kundi sa buong West Philippine Sea.