-- Advertisements --
DAVAO CITY – Agad na dinala ngayon sa isolation facility ang 11 na mga empleyado ng munisipyo ng Sto. Tomas, Davao del Norte matapos na nagpositibo ang mga ito sa COVID-19.
Ayon kay Mart Sambalud, information officer sa nasabing lalawigan, ilan sa mga nagpositibo ay nadestino sa Municipal Treasurer’s Office.
Agad naman na magsasagawa ng contact tracing sa mga huling nakasalamuha ng mga empleyado para mapigilan ang pagtaas ng kaso.
Suspendido naman ngayon ang trabaho ng munisipiyo para sa isasagawa disinfection sa mga opisina.