KALIBO, Aklan – Pansamantalang ipapatigil simula ngayong araw ang operasyon ng 11 establisiyimentong pagmamay-ari umano ng mga Chinese at Koreans sa Boracay.
Sinabi ng Boracay Inter-Agency Task Force na sa kanilang isinagawang inspeksyon, ilan sa mga ito ay nakitaan ng kakulangan ng mga permit.
Kabilang daw sa mga lumabag ay ang Bellas Bar and Restaurant, Great Wall Inn and Restaurant, Old Captain Cuisine, Ken MiniMart, Island Staff Restaurant, Ken Street, Coco Spa, Kim Ji Man, W Hostel Boracay Dragon, VIP Souvenir Shop, at YH World Network Services, Inc.
Sinabi ni Malay Mayor Abram Sualog na kailangang may hawak na kaukulang lisensiya at permits ang mga Chinese at Korean establishments, gayundin ang employment status ng kanilang mga foreign workers.
Nauna rito, iginiit ng Department of Interior and Local Government na bubuo sila ng isang ad hoc committee na mag-iimbestiga sa tila kabuteng pagsulputan ng mga Chinese establishments sa isla.
Kasama sa nasa bing komite ang mga kinatawan mula sa Malay local government unit, Department of Labor and Employment, Department of Justice, Department of Trade and Industry at Boracay Inter-Agency Task Force.